Sunday, January 31, 2021
SINO SI HESU-KRISTO?
Ito ay isang lehitimong tanong na naghihintay ng kasagutan. May sagot ang bibliya sa katanungang ito.
Una, si Hesu-Kristo ay Diyos. Wika ni San Juan “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ng Salita ay Diyos. Kasama na Siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.” Juan 1:1-3 Ang Salita (Hesu-Kristo Juan 1:14) ay Diyos at kasama sa paglikha ng lahat ng nilalang. Higit na malinaw ang wika ni San Pablo.” Magpakababa kayo tulad ni Kristo Hesus: Na bagama’t siya’y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang tao at namuhay na isang alipin.” Filipos 2:5-7
Ikalawa, si Hesu-Kristo ay Diyos na nagkatawang-tao (naging tao). Juan 1:14;Filipos 2:5-7 Hindi niya kailangang magkatawang-tao kung Siya ay tao lamang. Siya ay Diyos na nagkatawang-tao para a isang tiyak na layunin. Siya ay kasing-tao ninuman sa kanyang katawang-tao. Siya’y nagutom, nahirapan, nabugbog, nauhaw, nasugatan, namatay. Sabi nga “. . . Sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso Siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala.” Hebreo 4:15b
Ang madalas na na pagkakamali ay ang pag-aakala na dahil si Hesu-Kristo ay tao, hindi Siya Diyos at sa iba naman na dahil Siya ay Diyos, hindi Siya tao. Ang bibliya ay ngtuturo na si Hesu-Kristo ay Diyos at tao.
Ikatlo, si Hesu-Kristo ay namatay, nabuhay na muli at bumalik sa kanyang kaluwalhatian bilang Diyos. “Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.” Juan 17:5 Dito ay maliwanang na tinutukoy ni Hesus ang panahon bago pa siya pumasok sa kasaysayan ng tao o bago siya nagkatawang-tao. Ito ay pinatitibayan ni San Pedro sa kanyang pangaral sa mga Hudyo, “Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na pinatay ninyo ng inyong ipabitay sa krus. Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagpanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon sila ay patawarin.” Gawa 5:30-31
Sino si Hesu-Kristo? Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, nabuhay bilang tao, namatay at nabuhay na muli at ngayo’s nakaluklok sa kanyang kaluwalhatian sa kanan ng Ama.
Subscribe to:
Posts (Atom)